History The Bishop Our Priests The Parishes Diocesan Curia

 

Sunday Gospel Reflections Our Seminarians Catechism Apostolates Help Our Diocese

Vision-Mission of the Diocese

Silver Jubilee

 

Jubilee Logo

Ika- 25 Taong Anibersaryo: Hamon sa patuloy na pagpapalaganap ng Damayang Kristiyano.

PANALANGIN PARA SA PAGHAHANDA SA PAGDIRIWANG NG
IKA-25 TAONG ANIBERSARYO NG
DIYOSESIS NG SAN JOSE, NUEVA ECIJA

Ama naming makapangyarihan, salamat po sa nakalipas na dalawampu’t limang taon na biyayang ipinagkaloob mo sa aming Diyosesis mula nang ito ay itatag. Sa iyong paglingap ay umusbong ang maraming magagandang bagay tulad ng bokasyon sa pagpapari na nagsilbing ugat upang ang mga layko ay magkaroon ng pagtugon sa hamon ng Diyosesis na bumuo ng mumunting Sambayanan na may paghubog, pananampalataya at kabuhayang naka-ugat sa
DAMAYANG KRISTIYANO.

Pinasasalamatan ka namin sa pagbibigay mo ng aming Mahal na Patron Apo San Jose na palaging gumagabay sa aming Diyosesis. Patuloy mo po kaming kalingain kaisa ang aming Obispo, Mylo Hubert C. Vergara, ang aming mga kaparian, relihiyoso at ang buong sambayanan upang ang layuning maisabuhay ang pangarap na ito ay
magkaroon ng katuparan.

Sa patuloy naming paghahanda sa Dakilang Jubileo na ito, nawa'y kupkupin kami ng iyong pagmamahal at pagpapala upang ang lahat ay maging kabahagi sa tagumpay ng makasaysayang araw na ito.. Hinihiling namin ito sa Ngalan ni Hesukristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

APO SAN JOSE, ipanalangin mo kami
MAHAL NA BIRHEN NG IMAKULADA KONSEPSYON, ipanalangin mo kami

 

LATEST NEWS AND UPDATES

Bishop Mylo celebrated his 46th Birthday; launched new book >> read

Licab Youth held its First General Assembly >>read

Sunday Gospel reflections by Bishop Mylo . >>read

Updates on the Silver Jubilee >>read